IMPORTANT: CALL FOR BOARD OF DIRECTORS
Kung ikaw ay interesado, magsumite ka ng iyong resume sa [email protected].

OUR STORY
COMMUNITY PROJECTS
#YOUTHGSERIES
BHIEGAYAN NG BHIEYAYA
PROJECT HIKAYAT
PROJECT YABONG
WORKSHOPS
CELEBRATIONS
AS OF MAY 2025
VOLUNTEERS DIRECTORY
OUR STORY
Noong June 10, 2021, nagsimula ang Youth G bilang isang chapter ng youth arm ng isang partylist group. Pero dahil sa mga internal na issue sa loob ng party mismo, napilitan ang buong chapter na huminto.Pero imbes na huminto rin sa pagtulong sa mga komunidad, pinili ng mga miyembro ng nasabing chapter na gumawa ng bago, mas totoo, at mas malayang youth organization.Binuo nina Ria Cortez at Dom Negrite ang Youth G kasama ang kanilang mga kapwa-kabataang lider sa Iriga City, Camarines Sur.Ang pangalan na Youth G ay inspired sa salitang madalas ginagamit ng kabataan kapag may tumatawag sa kanila para kumilos: “G!” Ibig sabihin, Go! Game! G na G!It represents the spirit of today’s youth — handa, palaban, at hindi natatakot sumubok.Noong 2022, na-register ang Youth G sa Youth Organization Registration Program (YORP) ng National Youth Commission. Pero gaya ng maraming orgs, noong nagsibalikan na sa onsite classes, nagfocus ang founding members sa kanilang pag-aaral. May mga nag-aral sa ibang siyudad sa Bicol at Metro Manila, at may mga nangibang bansa.Pero ngayong 2025, andito na ulit ang Youth G. Mas handa at mas buo ang hangarin:Gumawa ng isang sustainable volunteer system para sa mga kabataang Pilipino na hindi naka-depende sa kahit anong grupo, kundi binubuo ng mga kabataang handang kumilos para sa pag-unlad ng kani-kanilang komunidad.